|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Basket Ball Hystory
|
|
08-26-2006, 06:26 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
Basket Ball Hystory
![]() Kasaysayan ng Basketbol
Taong 1891, buwan ng Disyembre nang likhain ni Dr. James Naismith ang isa sa mga pinakapopular na laro sa buong mundo ngayon - ang BASKETBOL. Isa siyang guro sa Estados Unidos (Springfield, Massachusetts) na naatasan lamang ng kanyang Punong Guro na gumawa ng isang larong maaring ganapin tuwing tag-lamig. Matapos mag-isip, kumuha siya ng dalawang basket, idinikit ang mga ito ng may kataasan sa loob ng YMCA dyim, at itinapon ang isang bola sa loob ng basket. Ang itinapon niyang bola ang naging unang tira sa isang laro na huhuli sa interes ng buong mundo sa pagdaan ng panahon. Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang unang naimpluwensiyahan ng basketbol sa mundo. Dumating ito sa ating bansa noong maagang bahagi ng 1900s. Dahil dito, hindi nag-atubiling sumali ang ating bansa noong una itong laruin sa 1904 Olympics sa Berlin. Bagamat may kaliitan ang mga Pilipinong manlalarong naipadala kumpara sa mga Europeo, natalo nila ang apat na bansa (Mexico, Eutania, Poland at Italy). Natalo lamang sila ng Estados Unidos na tuluyang naghari sa larong ito hanggang 1968. Mula noon, lubusan ng sumikat ang larong ito sa ating bansa. Dahil sa labis na pananabik sa larong ito, naitatag ang ilang organisasyon sa ating bansa (MICCA, NCAA, UAAP, at PIBA), ngunit maituturing na isa lamang ang tunay na humugis ng basketbol sa ating bansa --- ang PBA o ang Philippine Basketball Association. Dito lumabas ang ilang mabibigat na kompanya bilang pangalan ng mga koponan. Crispa, Pop Cola, San Miguel at Purefoods ang ilan lamang sa mga halimbawa. Patuloy na tinatangkilik ng masa ang bawat laro ng PBA lalo na't pinapalabas ito sa telebisyon o maaring pakinggan sa radyo. Sa pamamagitan rin ng basketbol umusbong ang mga career ng mga tanyag na manlalaro tulad nina Lauro "The Fox" Mumar at Sonny "The Living Legend" Jaworski. |
|||
|
08-26-2006, 09:36 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
1981 ba?
|
|||
|
08-27-2006, 01:58 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
1891 -jaja-
mali pala type ko |
|||
|
08-29-2006, 02:19 AM
Post: #4
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
:35: ilove this game
|
|||
|
08-29-2006, 05:53 PM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
naalala ko to ah.. minemorya ko yang si naismith nung highschool yata ako eheheh ...
Media Search Engine: fnets.net |
|||
|
08-29-2006, 05:55 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
uu highschool din samin tinuro toh eh
|
|||
|
08-29-2006, 09:41 PM
Post: #7
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
high school pati P.E. sa college tinuturo din.. hehe..
|
|||
|
10-16-2006, 03:12 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
sipag naman ni kuya mhel :smyl:
|
|||
|
10-16-2006, 06:29 PM
Post: #9
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
tulog ako nung tinuro to eh...(jokes)
rap pa rin... :rap: |
|||
|
10-16-2006, 11:34 PM
Post: #10
|
|||
|
|||
|
Re: Basket Ball Hystory
kaya pala lagi ka bangko pareng krayzie.....
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help

![[Image: baskettitle2.jpg]](http://www.geocities.com/Paris/Jardin/7107/basketbol/baskettitle2.jpg)







