Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Langit Lupa
08-26-2006, 06:41 PM
Post: #1
Langit Lupa
isang larong pambata, ang langit, lupa ay tila alam ng kahit sino. ang mekaniks: kung sinuman ang magiging taya, kailangan niyang maka-tag ng isang manlalaro. “lupa” ang isisigaw niya kapag nagawa niya iyon. kung sinuman ang ma-tag, siya na ang bagong taya. kaya nga lang, hindi puwedeng i-tag ng taya ang manlalarong nasa isang “elevated” na lugar o bagay. iyon ay simbolo na nasa langit ang manlalaro. ang mga manlalarong nasa “lupa” lamang ang kanyang puwedeng i-tag.

sinasabing matanda na ang larong ito kaya mahirap sabihin kung ano nga ba ang pinagmulan. maraming relihiyon ang may konsepto ng tatlong puwedeng pamalagian: ang lugar ng lumikha (langit), ang lugar ng mga taga-lupa at materyal na bagay (lupa), at ang tapunan ng mga makasalanan at ng demonyo (impiyerno), ngunit dahil tagalog ang langit, lupa, ipagpapalagay nating kristiyanismo ang tinutukoy.

ang langit, lupa ay umaalingasaw sa pagka-katolisismo. una, dahil sa konsepto ng langit, lupa, at impiyerno. pangalawa, ang linyang “saksak puso, tulog ang dugo” ay tumutukoy sa sacred heart of jesus, na tanyag sa mga katoliko. maging sa laro mismo, tinitingnan ang langit bilang isang lugar na mataas, kaya kailangang sumampa sa isang “elevated” na lugar upang mapunta sa “langit.” iyon ay isang paniniwalang katolisismo, dahil sa ibang relihiyon, ang langit ay isang state of mind.

ang “im-im-impiyerno” ay binigyan ng diin dahil ito ang puwedeng kahinatnan ng mga tao. si hesus ang maghuhukom (“saksak puso, tulo ang dugo”), at walang takas—buhay man o patay na (“patay, buhay”). ang ibig sabihin ng “alis ka na dito” ay ang pagpapadala ni hesus sa mga makasalanan sa impiyerno, na binigyang diin ng mas maaga sa kanta (“im-im-impiyerno.")

sa laro, kung sino man ang taya, siya ang demonyo (ang nadapuan ng "-to" sa "alis ka na dito"). hinahabol niya ang mga manlalarong alagad ng langit at kapag nahawakan niya ang isa, iyon na ang demonyo. pinapatunayan lang na kahit alagad ng langit ay puwede pa ring mabihag ng tukso ng kadiliman, kagaya ng nangyari kay lucifer bago pa siya naging tiwali. ngunit kung ang demonyo ay may pag-asa pa ring makasampa sa langit, ibig sabihin ay puwede pa siyang tanggapin ng diyos.

kahit demonyo o taga-langit ay puwedeng dumaan sa lupa. sa bibliya, maraming kuwento ng mga anghel at demonyo na bumibisita sa lupa.

ipinapakita lamang ng langit, lupa ang tagumpay ng mga kastila sa pagpapalaganap ng relihiyon sa ating bansa.
Quote this message in a reply
09-07-2006, 10:41 AM
Post: #2
Re: Langit Lupa
eto b sport mo mhel?

akalain pareho p tau...!

Langit Lupa impyerno, im im impyerno, saksak puso tulo ang dugo patay buhay alis ka na dito..!
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-08-2006, 03:27 PM
Post: #3
Re: Langit Lupa
(09-07-2006 10:41 AM)KoRNy Wrote:  eto b sport mo mhel?

akalain pareho p tau...!

Langit Lupa impyerno, im im impyerno, saksak puso tulo ang dugo patay buhay alis ka na dito..!


Lol3 hahaha...  may naglalaro pa ba nito?! Grin
Quote this message in a reply
09-08-2006, 08:35 PM
Post: #4
Re: Langit Lupa
cguro meron pa.. mga bata Grin
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-22-2006, 04:06 PM
Post: #5
Re: Langit Lupa
kung alam lang ng mga tau d2 eh 00...per0 di eh...
pag uwi k0 lar0 tau!!!

[Image: Bname.jpg]
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-30-2006, 08:15 PM
Post: #6
Re: Langit Lupa
naglalaro ako dati nito..  :head:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-03-2006, 02:06 PM
Post: #7
Re: Langit Lupa
cn0 b hindi???

[Image: Bname.jpg]
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-17-2006, 12:29 AM
Post: #8
Re: Langit Lupa
Grin nilalaro ko rin 2 dati.. P
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-17-2006, 11:15 AM
Post: #9
Re: Langit Lupa
(10-17-2006 12:29 AM)KrªyZIE™ Wrote:  Grin nilalaro ko rin 2 dati.. P
ako din eh... habang nag rarap :rap:
Quote this message in a reply
10-17-2006, 01:51 PM
Post: #10
Re: Langit Lupa
dapat ito nlng sa PE.... Lol3
Send this user an email Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)