Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
mapaglaro ang tadhana
08-27-2006, 06:50 PM
Post: #1
mapaglaro ang tadhana
[glow=red,2,300]Naniniwala ka ba sa soulmate?…..ako?,,,oo naman….eh sa destiny naniniwala ka ba?…..ako?….syempre! haay....lufet talaga ng tadhana......gusto nyo malaman kung bakit?......sige..basahin nyo na lang to.....totoo toh....promize![/glow]


april 23, 2001

birthday ng classmate ko...so kasama ko yun ate yna ko (ate ko lang siya pero hindi ko siya kapatid) na pumunta sa birthday...pagkatapos nun dumeretso kami sa bahay ng ate ko...nasa Libis na kami...tapos ako tahimik lang dun nakaupo sa gilid ng daan...para nga akong nakatambay eh.....pero okei lang yun....tahimik lang talaga ako habang nakikipagkwentuhan si ate sa iba......tapos may mga boys na dumaan pero syempre ang lola nyo dedma ever lang!....para hindi obvious di ba....hehehe....wala talaga akong imik nun at para nga akong tulala...di ko alam kung bakit....basta wala ako sa earth nun mga oras na yun.....pero medyo napapansin ko parang may daan ng daan sa harap ko….hindi ko alam kung sino siya…ni hindi ko nga tinitingnan kung sino yun eh….di ba nga wala ako sa mood para mamansin ng mga people?…..so pagkatapos nun uwi na rin ang lola nyo..... diretso sa kwarto....sabay hilata sa kama....knock out....tulog!




april 24, 2001

haay...ganda ng umaga....hehe...gutom na ko...so mega bangon na ang beauty ko...puntang kusina...kain...toothbrush....ligo....bihis.... at waatttaaa....ganda ng lola!!! punta agad ako kay ate yna kasi super close talaga kami nun....at isa pa wala akong magawa eh.... bakasyon yun kaya boring....so nood lang kami ng tv...tapos sabi ni ate yna may nagkakagusto daw sakin....si uchoy daw....isa daw sa mga boys na dumaan kahapon...so ang lola nyo mega shock at mega react...pero syempre hindi naman ako agad naniwala no...kasi naman po..graveh naman yun...dumaan lang na in-love na agad sakin....hehe kafal ba?....joke lang po....

tapos yun....sabi ni ate yna...nagustuhan daw ako ni uchoy kasi daw tahimik lang ako...kahit maiingay yun iba kong mga kasama kaya kong maging tahimik....at heto pa ha....MAHINHIN daw ako!!! Zv hehe.... haay...kung alam nya lang kung gaano ako katopak at kaaning!!! hehehe....sabi din daw ni uchoy simple lang ako at walang arte sa katawan kaya gusto niya ako....syempre flattered ang lola nyo.... :14:

simula ng araw na yun...medyo nacurious na ako kung sino talaga si uchoy......nawindang talaga ang mundo....... si ate yna yun madalas magbigay sakin ng information about him…oo nga pala…magpinsan si ate yna at uchoy… kaya marami siyang alam tungkol kay mokong….hehe….ako naman…since bakasyon at walang magawa…naki ride na lang ako kay ate yna….oo na lang ako nang oo….anyways, wala namang masama kung kikilalanin ko si mokong di ba….at isa pa ang nasa isip ko nun eh friends lang naman eh…kaya walang problema dun…..kaya lang habang tumatagal…….hindi lang ata frend ang nararamdaman ko para kay mokong…….




december 15, 2001

after ng mahaba-habang palitan ng mga information about each other....heto na....as in.....yah.....as in.....this is da moment of truth....magkikita na kami.....sa wakas......so kuntodo paganda ang lola…..ayos dito…ayos doon….. excited talaga akong makita siya……kasama kong pumunta don si jhay at si neidz……pagdating namin don….. sabi nila gigisingin lang daw muna nila si uchoy kasi hindi daw yun pumasok sa school para  lang daw magkita kami….syempre ang lola nyo tuwang-tuwa naman…..so mega hintay naman kami……

ang hindi ko alam ay nakatingin pala sakin yun ate ni uchoy…..naku ha…ano kaya masasabi niya about me…. Kaka-kaba naman….pinagpapawisan na ata ako ng malamig ah….hirap huminga…..katakot naman yun ate ni uchoy…..pero in fairness….maganda siya…hehe…like me?!!!….jokez….hmmm…kung maganda ang ate niya ibig sabahin gwapo din si uchoy?….well…..sana….pero kung hindi..okei lang….

So after ten thousand decades na paghihintay…….sa wakas!…..andyan na siya….gising na po ang prince charming ko!!!….hehehe…..andun siya sa loob ng bahay nila at pinapapasok na kami….naku po….heto na naman ako….yun kabog ng puso ko….graveh ang biliz….daig pa ang kabayong nakikipag karere sa sobrang bilis!….ano ba yan……inhale…exhale…..inhale….exhale…..waaahhhh!!!!!…..ayoko na!….gusto ko ng umuwi! Hindi ko ata kayang harapin si uchoy ngayon….ayoko na….ayoko na….ayoko na…..!!!!!

Well…kahit papano na-carry ko pa naman ang bugso ng aking feelingz….papasok na sana ako sa pinto ng makita ko si uchoy dun nakaupo at guess what?….bigla siyang ngumiti habang hinahawi niya yun buhok niya pataas!!! Graveh!!! Nakakalusaw yung ngiti niya!…hindi ko alam kung bakit pero napaatras na lang ako agad!…sabi tuloy nila sakin…ngiti pa lang daw ni uchoy napapaatras na agad ako!….grrr…kaasar talaga….nakakahiya yun ginawa ko…baka kung ano ng isipin ng mokong na yun…..pero ano bang magagawa ko eh nabigla talaga ako….naku… wala na akong mukhang maihaharap….gusto ko na talagang umuwi….hindi ko na talaga kaya…..

Alam kong magagalit kayo pero……alam nyo kung anong ginawa ko?……umuwi pa rin ako……katangahan nga siguro yun ginawa ko…hindi kami nakapag-usap….hindi man lang nagpansinan..….ang gaga ko noh?…sinayang ko lang yun  pagkakataon para makita at makasama siya….maraming naasar sa ginawa ko…pero wag nyo naman akong sisihin….ang hirap talaga kontrolin ng sarili kapag puso na ang kumokontrol sayo…..mahirap I-explain yun feeling kapag andyan siya….malakas ang loob ko nung una…pero habang tumatagal….kapag naiisip kong makakaharap ko siya…tumitigil yun oras….bumibilis yun tibok ng puso..at nawawala sasarili….hindi ko alam kung in-love ako sa kanya…mahirap sabihin kung ano ang tototo….siguro dahil bata pa ako…or maybe infatuation lang yun….well..siguro hanggang dito na lang ang luv story namin….hindi gaya ng ibang luv story… ang samin siguro nakatadhanang magkaroon ng sad ending………





February 13,2004

Haaayy….tatlong taon na ang nakakaraan magmula nang mag asawa si ate yna kaya hindi na siya nakatira dito samin……ibig sabihin tatlong taon na rin akong walang balita about kay mokong….kapag binabalik-balikan ko ang mga ala-ala namin nun…kinikilig pa rin ako……nakakatuwang isipin ang nakaraan…yun nga lang medyo may pagsisisi ako….siguro kung hindi ko ginawa yun katangahan na yun eh di sana………sana may happy ending rin kami………pero ika nga….past is past…………

Walang pasok kaya heto ako ngayon…..kahit alas dyes na eh nakahilata pa rin ako sa kama….nagmumuni muni ….wala naman akong masyadong gagawin ngayon at isa pa nararamdaman kong magiging boring na nman ang araw na ito……matutulog pa sana ako nang biglang may nagtxt….”Advance Happy Valentines Faye”….. ava! sino kaya toh?…hindi ko kilala yun number….nawindang ang mundo ko at nawala agad ang antok ko!….mega bangon ang lola nyo at nagreply ako ng “hu u pow?”……and guess wat?….ang reply nya….. “si uchoy po…” ……….WAAAAAATTTTTTT???????……..graveh…after 3 years bigla siyang nagparamdam at sakto pa for the valentines!!!….di ko alam ang gagawin ko……hehe…ang saya naman ng araw na to…..sa sobrang saya ko…… hindi ko namalayan na naitxt ko na sa kanya ang “ui,long tym no talk ah…mzta na?…namiz kta…”…… naman!!! kaasar talaga….bakit ko ba tinxt yun….nakakahiya….baka mag isip yun ng kung ano….baka isipin niyang may gusto ako sa kanya…..naku po….lagot!

Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-01-2006, 08:24 PM
Post: #2
Re: mapaglaro ang tadhana
huhuhu... :animcry: bakit ganun....walang reply.... :73: saklap naman ng buhay.....
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-12-2007, 04:03 PM
Post: #3
Re: mapaglaro ang tadhana
bat parang putol?pero nice story...ganyan po talaga...di lahat ng love story appy...
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-14-2007, 07:38 PM
Post: #4
Re: mapaglaro ang tadhana
anong nagyari??! waaaaaaaah exciting... next na po plzz =)

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-29-2007, 02:57 PM
Post: #5
Re: mapaglaro ang tadhana
ganda po!!

next na

:35: :35: :35: :35:
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
10-30-2007, 11:17 AM
Post: #6
Re: mapaglaro ang tadhana
tapos?
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)