|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
|
|
04-15-2005, 10:59 PM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
How does it feel kung ang tanging lalaking minahal ninyo buong buhay niyo ay hindi kayo pinapansin? Masakit dibah? Yun bang kahit na ginagawa mo ang lahat eh parang balewala lang sa kanya. And you always ask urself kung ano pang kulang? Ano kayang gagawin ni Quaye para pansinin ni Ruen? Well, let's see... Pakipost na lang po ung comments nio kung icocontinue ko pa po or wag na.. tenchu poh! :cigar:[left] Naiinis ako pag hindi ko alam ang sagot sa assignment ko! Bakit? Hay naku kelangan ko pa kasing pumunta sa bahay ng pinsan ko para magtanong. At naaaninaw ko na ang mga mangyayari... pagtatawanan na naman ako nun at pagmamalakihan na para bang alam na niya ang lahat ng sagot sa lahat ng tanong sa mundo. HMP! Bakit ba kasi laging busy ang magaling kong kuya at ate? Hay naku di bale na nga.... Goodluck na lang sayo kawawang Quaye... tsk..tsk..tsk... At heto at pagod na naman ako sa paglalakad kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ng pinsan ko para magpahinga. Ngunit di pa don natatapos ang kalbaryo ko dahil heto at para akong kumain ng sampung durian sa nakita ko! Ano? Hindi ano...Cno? Hay naku... si Ruen lng naman ang lintik kong first love na hanggang ngayon eh di pa rin ako pinapansin! Kala mo kung cnong gwapo.. well, oo nga gwapo siya, minahal ko nga eh! Sobrang talented pa! Magaling kumanta yan at maggitara at magbasketbol! Pero hanggang dun na lang yun.. kasi.. kasi.. kasi.. "Hoy Quaye pag-iisipin mo na naman ang henyo kong utak noh? Ano na namang assingment yan?" Hay! Bwisit tlga sa kayabangan tong aking pinsan! Naku kung wala lang tong si Ruen eh napadugo ko na ang bibig ng puno ng baleteng to! "eh... Ariel... Science eh... alam mo na..." Sabay abot ng notebook ko kay Ariel. Naku nakakahiya talaga! "OO alam ko na... mahina ka sa science kaya nahihirapan kang sagutin yan!" At sinabayan pa ng ngisi ng hinayupak kong pinsan sabay tingin kay Ruen. Magkaklase ang dalawa at bestfriends na rin kaya madalas pumunta sa bahay nila. Kaya ko nga nakilala si Ruen eh. At mula nung makita ko ang mukha niyang kay guwapo to the nth level, di ko na siya nakalimutan. Hanggang sa maramdaman kong hindi na lang un simpleng paghanga... mahal ko na si Ruen. At nalaman ni Ariel na crush ko si Ruen dahil nakita niya sa wallet ko ang picture ni Ruen na ninakaw ko sa photo album ni Ariel. Kainiz! "Quaye mag-aral ka na nga ng mabuti! Hanggang highschool mo makakapiling ang subject na science noh! Grade Five ka na hindi mo pa rin alam kung ano ang penis?!" "eh.. ano nga ba yon? Ska kung alam ko itatanong ko pa ba yon? Ano ba iyon? Sabi ni Aling Tale bitamina niya yun galing sa asawa niya..." At bigla na lang akong nagulat nang magtawanan ang dalawa! Hay kung si Ariel lang ang nadoon talagang maghuhuramentado ako. At magalit na ang magalit pero dadanak talaga ng dugo! Pero si Ruen... Sobrang gwapo! Kahit medyo nababanas ako, ok lang. Kahit habambuhay akong pagtawanan dahil sa kabobohan ko, ayuz lang... basta masaya si Ruen! Ang gaan sa pakiramdam... haaayyyy.... "Naku ikaw talaga kahit kailan di na nagsawa sa pakikinig kay Aling Tale" "Eh ano ba kasi tlga yun? Pagkain ba? Supplement? Gamot?" "Quaye, halika dito at ibubulong ko sa iyo kung ano yon" Hay salamat at huminto rin sa pagtawa ang lintik kong pinsan...at malalaman ko na kung anong ibig sabihin ng lintik na word na iyon... "eh ano nga ba iyon?" At ibinulong niya sa akin kung ano iyon na nagpalaki sa mga mata ko! At tlagang nag-init ako at feeling ko sobrang mapula ang mga pisngi ko! Lalo na ng mapatingin ako kay Ruen! Naman! Nakangiti ang magaling na lalake! Geezz! Nakakahiya! Oh lupa lamunin mo na ko ngayon nah! At dahil ayaw makisama ng lupa, wala akong nagawa kundi.... TUMAKBO!!! KKKRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG!!!!!!!! Patay kang magandang bata ka! Late ka na naman. Eh pano naman kasi, hindi ako nakatulog ng mabuti kakaisip sa nangyari kahapon. Sobrang kahihiyan! Buti na lang maaga umuwi si ate kaya nakagawa ako ng assignment. Pero sa totoo lang di ko naman prinoproblema yun eh. Ang iniisip ko eh pano pa ko magpapakita sa aking mahal na si Ruen. Bwisit talaga si Ariel! "Ms. Avado, why are u late?" "Eh ma?am sorry po hindi na po mauulit" "Alright, pass your assignment" Hay salamat mukhang maganda ang mood netong masungit na ito. Sabagay ngayon lang naman ako nalate noh. Saka maayos naman ako sa klase. Parang walang ganang magturo ang mga teachers ngayon. Buti naman. Dahil maaga kaming pinauwi. At isa pa, para di ko makasabay umuwi ang magaling kong pinsan. "Quaye! Sabay na tayo!" "O Cheena. Asan ang service mo?" Bestfriend ko yan. "Eh nasira kasi ung kotse nasa talyer. Sabi ko kay Daddy ok lang kasi marunong na naman akong umuwi saka para masabayan kita." "Ah ganun ba? Cge tara na" Magapapasalamat na sana ako dahil ok na ang araw ko. Pero nang palabas na kami ng school... para na naman akong nakalunok ng sampung durian. Oo tama! Andun si Ruen kasama ang mga barkada niya. Ang guwapo niya talaga! "Hi Quaye. Pauwi ka na?" Sh!t! Nananaginip ba ako? Nag hi siya sa kin at tinatanong kung uuwi na daw ba ako. Bakit kaya? Ihahatid niya kaya ako? Pero nung maalala ko ung nangyari kahapon, parang gusto ko na namang tumakbo. Pero ang gwapo niya eh... "Oo eh. Teka asan si Ariel? Bakit di ninyo kasama?" "Eh di pa cla tapos sa practice nila kaya hinhintay namin dito" "Ah ganun ba?" kala ko naman ako hinihintay nila. "O cge mauna na ko" "Teka lang Quaye, alam mo na ba kung ano yung tinatanong mo kahapon?" Sukat sa sinabi niya ay nakaramdam na namn ako ng hiya! Hinayupak na Ruen to! Bakit kaya pinaalala pa niya? At lalo akong nahiya dahil nagtatawanan ang barkada niya. Gosh! Cguro cnabi nila ng magaling kong pinsan! "Ewan ko sayo Ruen! Cge aalis nako..." "o, bakit? Saka bakit ka nagblublush?" naku! Tinatanong pa niya kung bakit?! "Eh pano naman pare, napahiya siya sa kanyang first love" At sumingit pa tong payatot na ito. "Anong pinagsasabi mo?"Pagkatingin ko kay Ruen ay nakangisi na siya. "Sus, eto naman si Quaye. Sinabi na sa min ni Ariel na ako ang first love mo." "anoooooohhhhhhh?!" "Oo noh! Cge nga bakit mo ako minahal? Dahil gwapo ako, magaling kumanta, magaling maggitara o magaling magbasketball? Ano?" "Pwede ba Ruen! Ang kapal ng mukha mo. Wala akong gusto sa iyo." "Sus kunwari ka pa. Pero alam mo kalimutan mo na ko. Alam mo kung bakit? Kasi kahit kailan di ako magkakagusto sa iyo! Di ako pumapatol sa bobong katulad mo na walang alam kundi magpacute sa kin. Akala mo ba hindi ko napapansin yung mga pagpupungay mo ng mata sa tuwing magkikita tayo? Kaya nga pulang pula ka ng malaman mo kung ano ang ibig sabihin ng penis dbah? Kasi hindi mo matanggap na napahiya ka sa harap ko. Nakakahiya ka talga! At mas nakakahiya ka dahil alam ko nang patay na patay ka sa kin at-" PAK! Ewan kung san ako nakakuha ng lakas para sampalin siya. Siguro dahil sobrang sakit ng mga binitiwan niyang salita. Sinabi niya iyon sa harap ng barkada niya at sa harap ng mga estudyanteng naglalakad. Akala ko matutuwa siya na may nagmamahal sa kaniya pero bakit parang nagagalit pa siya? Nang tumingin ako sa mga mata niya... nakita ko ang galit. Natakot ako pero tama lang naman na sampalin ko siya. Nasaktan ako eh! At mas nasaktan ako sa huling cnabi niya... "Alam mo Quaye, mas lalong bumaba ang tingin ko sa iyo. You really are not my type!" Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Oo ganun lang.. Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagtulo ng mga luha ko. Kung pwede lang isabay ang sakit sa pagdaloy ng luha ko... para mawala na... At naramdaman ko na lang ang yakap ni Cheena at niyaya na akong umuwi. [/left] |
|||
|
04-15-2005, 11:05 PM
Post: #2
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
galing ng post mo mackygirl :cigar:
|
|||
|
04-17-2005, 12:30 PM
Post: #3
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
pwede bng paki2loy ung story.. bitin ako eh.. pero ang ganda ha..
|
|||
|
04-22-2005, 01:14 PM
Post: #4
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
WOW...please continue....as in now nah!!!! nakakbitin!!!!! i love reading love stories.....puleaseee!!!!
|
|||
|
04-26-2005, 12:49 PM
Post: #5
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
T_T iv been waiting for the next issue here....angtagal naman..... bitin tuloy amf.... :head:
|
|||
|
04-26-2005, 11:21 PM
Post: #6
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
i'll kick the guys ass! hehehhehehe
|
|||
|
04-28-2005, 04:28 AM
Post: #7
|
|||
|
|||
| Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo] | |||
|
04-28-2005, 10:29 PM
Post: #8
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
it's so predictable....
the girl turned out to be a knock out... the guy ask her out.. they go on a date... live happily ever after |
|||
|
04-29-2005, 06:50 AM
Post: #9
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
hindi naman cguro....maybe the girl just stayed what she really is...then later on the guy slowly realizes what a big mistake he did to the girl....panira naman ending c pebbles....wakokoko
|
|||
|
04-29-2005, 09:18 PM
Post: #10
|
|||
|
|||
|
Re: Suntok sa Buwan [Ang Pag-ibig Ko na Ayaw Mo]
heheheheh
lahat ng ending laging maganda ang babae... malay mo maging model pa sya
|
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 4 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help

:cigar:






