Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
12-08-2006, 09:29 PM
Post: #1
Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
Kabisado ko na ang lugar na ito. Well-manicured
ang lawn. Man-made ang lagoon. Flowering shrubs. Kahit simple lang ang libingan, halata pa ring puro mayaman ang nakalibing dito. Pero kahit yata nakapikit ako eh makikita ko ang puntod na 'to na nalililiman ng malalaking puno ng Acacia. Binasa ko ang naka-ukit sa lapida; Jazzmani Hontiveros at Anne Peach Torrs, died on December 16, 1999. Habang tinitingnan ko ang unti-unting pagtunaw ng kandila, hindi ko maiwasang isipin
sina Jazz at Peach. At kung bakit nandito sila ngayon.


Team captain ng women's basketball ng UP si Jazz. Kahit sikat siya sa campus, hindi siya ma-ere. Gayunpaman, sobra naman siyang maloko at alaskador. Hindi yata lilipas ang isang araw nang wala siyang inaasar. And one more thing: she was a lesbian-and proud of it. "Why should i apologize for it?" 'yon ang standard answer niya everytime my magtatanong sa kanya bout sa sexual reference niya. But I knew her well to know that
deep inside, she was hurting.

Galing sa prominente at konserbatibong pamilya sa Cebu si Jazz. Kaya siguro hindi siya matanggap ng pamilya niya. Disgrace daw kasi siya. Isipin mo nga naman, dating governor ang tatay niya at pari pa ang isang uncle niya. Sa pamilyang tulad nila, nakakahiya nga namang magkaroon ng anak na tibo or bading. Kinahihiya pa rin siya ng parents
niya. Hindi raw siya magsa-suceed dahil tibo siya. Paparusahan daw siya ng Diyos dahil immoral siya. Kaya nga ganon na lamang ang tuwa niya ng pareho kaming makapasa sa UP Diliman. Sa wakas daw, makakalayo na siya sa pamilya niya. Matatahimik na raw ang buhay niya kahit paano. Alam ko sinasabi niya lang yon pero masakit din sa kanya na hindi siya matanggap ng family niya.

Maliban sa pagiging team captain ng UP Maroons Women Basketball Team, consisitent din siya sa pagiging college scholar. Pero never na nalaman ng pamilya niya ang mga achievements niya. Paano ba naman, simula ng dumating kami dito, pinadadalhan na lang siya ng pera ng parents niya. Ni hindi man lang sumusulat o tumatawag para kamustahin ang anak nila. Si Jazz din, hindi na nag-try na sumulat o tumawag. "Kung noon ngang
kasama ko sila sa bahay, hindi na sila interesado sa akin, ngayon pa kaya?" katwiran niya sa akin ng kulitin ko siya na tumawag naman sa bahay nila. Hindi na ko nakipagtalo. Buhat din non, hindi ko na siya kinulit pang sumabay sa pag-uwi ko tuwing sembreak. Mula kasi nang dumating kami sa Manila, ni hindi na umuwi sa kanila si Jazz, kahit Pasko. Tuluyan na siyang naging estranged sa family niya. Tuwing bakasyon busy siya sa paga- assemble ng computer o pagdedesign ng website. Racket niya 'yon 'yon din ang naging daan para
magkakilala sila ni Peach. Sa isang exclusive school nag-aaral si Peach.

Naghahanap ng web design ang sorority niya para sa web page nila. It turned out that one of our classmates was her sis sa soro. Nirekomenda ng classmate naming si Jazz. Isinama ako ni Jazz nang makipagmeeting siya kay Peach. Peach was a stunner. With her doe eyes, acquiline nose and creamy complexion, madaming nanliligaw sa kanya. Before I knew it, nagko-confide na sa akin si Jazz. She was smitten daw by Peach's charm. I warned her to take it easy. Peach was so beautiful. Marami siyang karibal. "Well, I've been turned down by my own family. One more rejection wouldn't hurt that bad, right?" She
grinned. Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Bahala ka nga sa buhay mo," sabi ko.

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-08-2006, 09:30 PM
Post: #2
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
Ibang klaseng manligaw si Jazz. Simple lang,
minsan nga baduy na eh. Instead of flowers and
chocolates, ginagawan niyang funny cards si
Peach. O kaya naman, dadalhin niya sa Sunken
Garden at pakakainin ng fishball at tukneneng,
habang kinakantahan niya ng mga mushy songs.
Niloko ko nga siyaminsan. Sabi ko, paano siya
magugustuhan ni Peach eh ang baduy-baduy niyang
manligaw. Katwiran naman ng ga**, hindi naman daw
kasi puwedeng lantaran niyang ligawan ni Peach.
Una, bawal sa school nila. Madre kasi ang
nagpapalakad. Pangalawa, may sorority nga si
Peach. Ano na lang ang sasabihin ng mag sisses
nito? Although Jazz was such a charmer, nagulat
pa din ako nang sagutin siya ni Peach. I remember
pa nga that time so well. I was studying for my
Math 17 dep exam nang dumiting siya sa apartment.
She was wearing this silly grin on her
face. "Guess what?! Sinagot na ako ni Peach!" I
didn't know what to say. Part of me was
skeptical. Paano kung nagti-trip lang si Peach?
Jazz had been through a lot and I didn't want to
see her get hurt again. But the glint of
happiness in her eyes somehow reassured me. It
convinced me that maybe – just maybe – Peach was
the person who would make Jazz happy.

Peach easily fit in Jazz' life. Kapag pareho ang
vacant periods nila, sabay silang kumakain ng
lunch. Kung hindi naman, text galore naman sila,
reminding each other na wag mag-skip ng lunch,
and other mushy things. Kapag gabi na ang uwian
ni Peach, susunduin naman siya. Minsan nga
nagseselos na ko. I felt na wala ng time si Jazz
for me. Pero konsolasyon ko na lang na makitang
masaya si Jazz. Nakita ko rin kung paano alagaan
ni Peach si Jazz. Binibilhan niya si Jazz ng
vitamins, pinapagalitan kung hindi kumakain. Nang
magkasakit nga si Jazz, si Peach ang nag-alaga sa
kanya for three days. And one thing about them,
they pulled each other up. They were each other's
strenght. When the Maroons lost an important game
to UST, Jazz was so disappointed. And Peach was
there to comfort her. She even cooked chicken
adobo, Jazz' favorite food. Before I knew it,
Peach moved in with us. At mas lalo kong nakita
kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Gustong-gusto ng dalawa kapag malakas ang ulan.
It was their excuse to just stay in bed, cuddling
up, drinking hot cocoa while watching a video.
Sometimes, they'd curl up sa sofa reading a book
together. There was this time pa nga na naligo
sila sa ulan. At ang gagong si Jazz, kumuha pa ng
sabon at shampoo! Feel na feel talagang maligo
sa ulan ni mokong! Minasan biniro ko si Jazz.
Sabi ko kumusta ba ang may active s*x
life? "g**o!", natatawang sabi ni Jazz. "pero
alam mo", seryosong sabi ni Jazz, "Peach and I
don't have s*x. We make love." "f*****g and
making love?" "What's the difference?", I
asked. "I don't know. It's an explicable feeling
eh. It's more than physical pleasure. It's more
of the mind, of the soul." "Corny mo talaga,"
biro ko
kay Jazz. Kahit sobrang in-love sila, they were
still extremely cautios na wag malaman ng iba ang
relationship nila. Ni hindi nga nagho-holding
hands kapag nasa public.

Pero sabi nga, wala namang lihim na naitatago.
Eventually, nakaabot sa parents ni Peach ang
balita. Dumating ang parents niya sa apartment.
Napagkamalan ngang ako si Jazz. Pagbukas na
pagbukas ko ng pinto eh tinalakan na ako. "Teka
nga," naiirita kong sagot, "eh hindi naman ho ako
si Jazz eh". Narinig pala ni Jazz ung
pagbubunganga ng mother ni Peach kaya lumabas
ito. Kung anu-anong masasakit na salita ang
ibinato ng parents ni Peach kay Jazz. Kesyo
idinadamay raw nito ang unica hija nila sa pagka-
immoral. Na wala naman daw mapapala si Peach sa
isang tibo. Iyak ng iyak noon si Peach, begging
her parents to understand. Tahimik lang si Jazz,
nakikinig. Maya-maya tumayo ito. Umakyat sa
kwarto nila. Pagbaba, may dala nang bag, laman
ang gamit ni Peach. "What are you doing?",
naiiyak nitong tanong kay Jazz. "Sumama ka na sa
kanila," "You're letting me go just like that?!
Fight for me naman, Jazz. Please." Nakayakap na
si Peach kay Jazz, halos lumuhod na dito.
Umiiyak na rin noon si Jazz. "I love you so much
Peach. Ayokong danasin mo 'yung itakwil ka ng mga
magulang ." Pilit inialis ni Jazz ang mga kamay
ni Peach. Ang tatay naman ni Peach, halos
kaladkarin na siya palabas ng apartment. "Jazz
please!" pero tumalikod na si Jazz, umakyat sa
kwarto nila to shut herself from the world.

Ibang Jazz na 'yung nakita ko after that. Naging
withdrawn, always staring off into space. Inaya
ko nga minsang gumimik sa Malate, pero pag nasa
bar na, naka-upo lang, nagyoyosi, nagbubutas ng
bangko. Nabalitaan na lng naming nag-enroll sa
ibang school si Peach. At hindi raw maka-alis ng
walang bantay.

Minsan nasa kalagitnaan kami ng klase noon ng may
nag-text sa kanya, tapos nagpaalam. Magsi-CR daw
siya. Natapos na 'yung subject hindi parin
bumabalik. Tinext ko siya, asking kung nasaan
siya. Maya-maya, tumawag, parang masayang-
masaya. Huwag daw akong mag-alala dahil she's
fine. Wish her luck daw. Nailing lang ako. "what
are you up to nanaman ba?" I asked her. "Basta!"
Gabi na akong naka-uwi that day, dahil sa pagod,
nakatulog ako agad. Siguro mga ala-una yon, may
kumatok. Hindi ko pinansin nung una, akala ko
nananaginip lang ako. Eh ang kulit. Bumaba ako at
sinilip ko muna kung sino yon. Aba, mahirap na
noh. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na
pangyayari. I just foung myself in the morgue,
staring at Jazz and Peach's lifeless forms. Sabi
nga ng mga pulis, tinawagan daw sila ng mga room
boys sa isang motel sa may Harrison. Tapos na daw
kasi yung short-time, hindi parin lumalabas sa
kwarto ang dalawa. Hindi naman daw sumasagot
kahit
kinakatok kaya't puwersahan ng binuksan. At
tumambad nga sa kanila sina Jazz at Peach,
MAGKAYAKAP, PATAY. Nag-overdose ang dalawa. May
nakitang note ang mga pulis. It read:

"IN ANOTHER LIFETIME, MAYBE WE COULD HAVE THE
HAPPINESS WE DESERVE."

Tinawagan agad ng mga pulis ang parents ng
dalawa. I was glad I didn't have to talk to Jazz
parents. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko,
kung ano pa ang masabi ko. The next morning, nasa
funeral home na sila. Unang dumating ang parents
ni Jazz. Iyak sila ng iyak. Pero hindi ko
magawang maawa sa family ni Jazz. Mahal din pala
nila ang anak nila, bakit hindi nila ipinakita
noong buhay pa ito? Nang dumating ang parents ng
Peach, nag-usap sila. Nag-decide sila na
pagsamahin na lang sa isang libingan ang dalawa.

Umuulan noong araw na inilibing sila. Just like
what Peach and Jazz would have wanted. Pero this
time, they were not curled up in the sofa,
drinking cocoa or cuddling. They were not out in
the rain playing like kids, oblivious to the
stares and smiles of the passerby. They were
being lowered to the ground. Naisip ko, siguro
mas masaya na ngayon yung dalawa. For all we
know, baka they're cuddling right now.

Before, tinanong ako ni Jazz, "What's wrong with
these people?" May nadaanan kasi kaming simbahan,
tapos may streamer sila announcing a healing
explosion. Pati daw mga gays will be cured to
their homosexuality. Pikang-pika noon si jazz.
Pero, ako naman tinatawanan ko lang siya. Hindi
ko kasi alam kung anong isasagot ko. Now I know.
We're bunch of hypocrites. All of us are sinners
trying to wash off our guilt by putting down
other people. And such hypocrisy led to the death
of two people who loved each other so much. Their
only sin: they are both girls


Its started to rain. At first ambon lang. I
watched as the flames tried valiantly to fight
the onslaught of raindrops. Then the flames
flickered, and with the sudden gush of the wind,
were suddenly extinguished. Just like Jazz and
Peach succumbing to pressures, I thought.

Little Chef

[Image: 125327vehjruzezk.gif]

“"Anybody can make you enjoy the first bite of a dish, but only a real chef can make you enjoy the last.”"

-Francois Minot
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-08-2006, 10:09 PM
Post: #3
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
:smyl: how sad naman...
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-09-2006, 09:09 AM
Post: #4
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
h0nga.. it makes me wanna cry..
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-06-2007, 12:21 PM
Post: #5
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
kakaiyak pwamiz,..!!!
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
02-10-2007, 08:37 PM
Post: #6
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
:32Confusedo sad toL T_T  Confusedh:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
03-28-2007, 03:35 PM
Post: #7
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
waAaaa...
kalungkot nman....
Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-30-2007, 08:42 PM
Post: #8
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
very sad nmn poh  :animcry:  :animcry:  :animcry:
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
12-04-2007, 06:33 PM
Post: #9
Re: Rainy Days (waaaahhh ...kaiyak =( pwamis)
ang love nga naman.... Zzm Zzm
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Possibly Related Threads...
Thread: Author Replies: Views: Last Post
  Rainy Days Are Here... katorse 5 930 06-14-2008 11:21 AM
Last Post: katorse
  <<Trust Me Itz Worth Reading>> - Rainy Dayz jacesy 2 876 11-28-2006 11:10 PM
Last Post: jacesy
  The Missing Rib....a touching story....kaiyak twitter 1 730 11-08-2006 04:37 PM
Last Post: twitter

Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)