|
Join our Facebook Page |
|
|
|
|
paalam
|
|
07-03-2007, 09:40 AM
Post: #1
|
|||
|
|||
|
paalam
Sa sandaling panahon na tayo'y nagkakilala
Hindi ko aakalain na mamahalin agad kita Salamat sa pag daan mo sa buhay ko Tinuruan mo akong magmahal ng totoo Parang panaginip, di ko namalayan Na lumipas ang araw at ikaw ay namaalam Napakasakit ng iyong paglisan Kung may magagawa lang ako para ikaw ay pigilan Mga araw, linggo at buwan ay nagdaan At ako'y iyong madaling nakalimutan Ngunit ako'y patuloy na umaasa Na minsan muli'y ako iyong maaalala Kung saka sakaling mababasa mo ito, Gusto kong malaman mo na kaligayahan mo ang hangad ko At kung sa paglayo ko ikaw ay magiging masaya Paalam sa'yo, di na ako muling lalapit pa ___ Ang isang pag ibig ay hindi lang basta nararamdaman at bigla na lang ding naglalaho. Ang totoong pag ibig ay nanatili sa puso at hindi ito maglalaho kailanman... |
|||
|
« Next Oldest | Next Newest »
|
User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)

Search
Member List
Calendar
Help



