Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
paalam
07-03-2007, 09:40 AM
Post: #1
paalam
Sa sandaling panahon na tayo'y nagkakilala
Hindi ko aakalain na mamahalin agad kita
Salamat sa pag daan mo sa buhay ko
Tinuruan mo akong magmahal ng totoo

Parang panaginip, di ko namalayan
Na lumipas ang araw at ikaw ay namaalam
Napakasakit ng iyong paglisan
Kung may magagawa lang ako para ikaw ay pigilan

Mga araw, linggo at buwan ay nagdaan
At ako'y iyong madaling nakalimutan
Ngunit ako'y patuloy na umaasa
Na minsan muli'y ako iyong maaalala

Kung saka sakaling mababasa mo ito,
Gusto kong malaman mo na kaligayahan mo ang hangad ko
At kung sa paglayo ko ikaw ay magiging masaya
Paalam sa'yo, di na ako muling lalapit pa

___
Ang isang pag ibig ay hindi lang basta nararamdaman at bigla na lang ding naglalaho.
Ang totoong pag ibig ay nanatili sa puso at hindi ito maglalaho kailanman...
Visit this user's website Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)