Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 0 Votes - 0 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
sayong katauhan[bow]
07-14-2007, 08:31 PM
Post: #1
sayong katauhan[bow]
sayong katauhan

sa tuwing ika'y nakikita
anong ligayang nadarama
bumibilis pintig ng puso
ikaw nga ba ay mahal ko na?

kislap ng iyong mga mata
sa akin ay sumilaw bigla
tamis ng iyong mga ngiti
aking problema'y napapawi

ika'y nasa panaginip ko
gabi-gabi laging ganito
umasang magmamahal muli
ito nga ba'y tama o mali?

sayo biglang may naramdaman
nahulog sayong kagandahan
ang pagibig kong ito'y tunay
sayo lang at walang kapantay

ako'y nagmahal at nasaktan
bumangon, natutong lumaban
ngayo'y akin nang nasilayan
umiibig muli sayong katauhan.. :beh:
Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 3 Guest(s)