Join our Facebook Page



Post Reply 
 
Thread Rating:
  • 1 Votes - 5 Average
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
Callisterz
08-05-2010, 05:21 PM
Post: #91
RE: Callisterz
ask ko lang po..if ever na ituloy ko tong story ko..babasahin niyo pa ba?? pinakiusapan kasi ako nung friend ko na tapusin since sayang naman daw ee..

reply na lang po kayo dito..thanks!

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
08-05-2010, 08:39 PM
Post: #92
RE: Callisterz
tapusin toooooooo!!
hahahahha ..
ngayon ko lang to nabasa pero na-astigan talaga akooooooo!!!
tuloy lang po hanggang matapos .. Smile

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-01-2010, 08:37 PM
Post: #93
RE: Callisterz
sori kung ngaun na lang ulit ako nakapag-post sa story kong to..di ko na dapat to tatapusin tapos biglang nagbago yung isip ko nung tinignan ko ulit to..

aun, sana basahin niyo pa din to at pipilitin ko na tapusin na sya,,KissKiss

marameng thanks!! Smiley


Chapter 11 - Reminisce and Enjoy the present

Jem2x's POV

naalala ko tuloy bigla yung mokong na yun.. at sa di maipaliwanag na dahilan, NAMISS ko SYA.. 7 taon na din pala ang nakakalipas..

-- flashback --

nakatira pa kami nun sa Zambales, malapit sa sapa yung bahay namin kaya napapadalas ang paglalaro ko dun non..tska,err...HAHA..wala yatang gustong makipag-friends sakin nun ee.. xD


nasa batis ako nun at naglalaro sa batis NANG MAG-ISA as usual Lipsrsealed...emo ata ako neto ee (bata pa lang emo na? HAHAHA..)

malalim sya para sa height ko na hindi naman kataasan..hehe..tuma-talon talon ako sa mga bato na medyo naka-immersed sa tubig tapos nadulas ako...natangay ako sa sapa at WAAHH...di pa ko marunong lumangoy nun!! Shocked

muntik na akong malunod nun, buti na lang nailigtas ako ni ANGHEl c:

Jem-jem : ehem-ehem...
Gesalle : o-kay ka la-ng ba? (hinihingal po yan.)
Jem-jem : oo, th-ank-you..
Gesalle : (aftr makarecover sa walang kamatayan pag-hingal) wala iyon.. Big Grin ako nga pala si Gesalle..ikaw?
Jem-jem : ako nga pala si Jemmielyn, kaw na bahala kung anong gusto mong itawag sa akin..
Gesalle : wala na bang pwedeng itawag sa'yo? middle name? surname? second name? ayoko kase nung pangalan mo...hahaha! joke lang.
Jem-jem : ang lakas mo din mang-alaska eh no?
jemmielyn kheiylle marquez morales name ko..oh ayan, binuo ko na para sayo.
Gesalle : pikon ka naman agad...HAHAHA... wala pa din ee.. PANGET na lang kaya? xDDD
Jem-jem : bat naman yun? bakit, panget ba ko?
Gesalle : di ahh!! ang CUTE-CUTE mo nga ee...hahaha!! (sabay pisil sa cheecks ni jem-jem)
Jem-jem : ang corny mo!! nambobola ka pa.
Gesalle : HAHAHA!! (masyado na ata tong nasayahan ee.) joke lang, eto naman masyadong sineseryoso mga sinasabe ko..ganda nga ng name mo ee..
HMMM...heili na lang kaya? ou yun na nga lan!! mascute yun kesa sa mga pangalan mo na ubod ng haba..HEHE.
Jem-jem : (blushing) bat naman yun? wala naman yun sa pangalan ko aa..
Gesalle : gusto mo talaga malaman? sige-sige, sasabihin ko sayo..
un kase yung pangalan ng aso naman ee..HAHAHA
Jem-jem : ah, GANUN?? BAHALA KA DYAN SA BUHAY MO (may pawalk out-walk out effect pa si Jem-jem, bata pa lang yan ha.. )

lilingon si Jem-jem kay Gesalle.

Gesalle : JOKE LANG PO! xD
Jem-jem : ...
Gesalle : oh eto totoo na. yun yung ibang word ng "sakura" (gawa-gawa ko lang yan.)
Jem-jem : tapos? yun na yun?? (TARAY muchh)
Gesalle : hahaha...tapos na... sungit mo ha
Jem-jem : eh kase naman, kung ano-ano ang ipinapangalan sakin..malay ko ba kung anong meaning nun, mamaya minumura mo na ko di ko pa alam..
Gesalle : HEHEHE...tinatarayan mo kasi ako ee, gumanti tuloy ako..
halika na dali!
Jem-jem : at san naman tayo pupunta? HMP..ayoko nga!
Gesalle : uwe tayong bahay namin!! papahiramin ka na lang namin ng damit dun, kawawa ka naman kasi mukha ka ng basang sisiw dyan ee..
Jem-jem : cge na nga...


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-08-2010, 07:34 PM
Post: #94
RE: Callisterz
hohohoho :3
next next next ...
ngayon ko lang nabasa pero ang tagal ko nang inintay ..
hohohohoh .. xD

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-10-2010, 09:00 PM
Post: #95
RE: Callisterz
(09-08-2010 07:34 PM)dkm Wrote:  hohohoho :3
next next next ...
ngayon ko lang nabasa pero ang tagal ko nang inintay ..
hohohohoh .. xD

hi dkm!! Smile)

tutuloy ko pa ba?? halos 2 years na rin kasi to nastop ee, kaya di ko lam kung may magbabasa paa :l

salamat pala sa pagbasa at pagpost :3


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
09-13-2010, 03:30 PM (This post was last modified: 09-13-2010 03:33 PM by dkm.)
Post: #96
RE: Callisterz
syempre may mag babasa pa po nyan . Smile))
andito naman po ako nagbabasa sa mga stories mo Big Grin
hehehe .. xD
(09-10-2010 09:00 PM)hazalle_calla Wrote:  
(09-08-2010 07:34 PM)dkm Wrote:  hohohoho :3
next next next ...
ngayon ko lang nabasa pero ang tagal ko nang inintay ..
hohohohoh .. xD

hi dkm!! Smile)

tutuloy ko pa ba?? halos 2 years na rin kasi to nastop ee, kaya di ko lam kung may magbabasa paa :l

salamat pala sa pagbasa at pagpost :3

syempre po ipagpatuloy yan .
parang love po yan .
kung sinimulan mo na dapat mong ipagpatuloy .
pero may wakas -_-"

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-26-2010, 06:53 PM
Post: #97
Heart RE: Callisterz
im baaacckk. i'll be posting 2 chaps ngayon since bumabawi. haha. then 1 chapter every week. eto na talaga. di ko na to iiwan ulit ever. prepared na nga ako ee. HAHA. hope you'll like it <333

- hazalle Smile)


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-26-2010, 08:13 PM (This post was last modified: 01-19-2011 07:35 PM by hazalle_calla.)
Post: #98
Heart RE: callisterz UPDATED wooo :]]
CHAPTER 11 PART 2 Smiley

Pagkadating namin sa bahay ng GESALLE na to na sumagip sakin pero ang yabang kase naman kanina pa ako inaaway neto. GRABEEEEEEE namangha tlaga ako sa bahay nila.. parang mansion naman kasi ee. Tapos syempre bata pa ko konting bahay pa lang naman ang napupuntahan ko talaga e. At saka dib a nga WALAAA AKONGG FRIEEENNNNDDDSS???

Lumabas yung mga katulong na nagmula pa sa kung saan-saang part eng bahay nung biglang sumigaw si Gesalle na nandito na daw sya. At ang mga maid naman ang gulat na gulat naman dahil may kasama syang babaeng basang-basa…

Yung sa tingin ko naming mayordoma dito eh nung nakita kami parang di naman sya nabigla? Siguro likas talaga sa batang to ang matulungin? HEHE.. malay ko

“ma’am si Sir Gesalle ho ay dumating naaa” yun ang mayordoma.. ang lakas ng pandinig ko. napaka-usisera ko talaga kahit ang liit ko pa.. haha

Pagdating naman nung mama ng Gesalle eh muka naming himdi rin sya nabigla tulad nung mayordoma. Tinanong lang naman kami kung bakit basa kami ganyan pano nakita ni gesalle.. haha, para naman kaming ini-interview sa lagay na’to. LOL

“Anak, sino ba yang kaibigang dinala mo dito?” yan ang mama ni Gesalle at iniinterview ang sariling anak. Hahaha. Parang wala syang masagot.

“Ah Ma, sya po si Jem-jem pero Heili na lang..papausuhin ko Smile) “

“Bakit naman Heili anak? Eh dib a yun yung--” at naputol po ang sinasabi ni madiir.. sayang naman mare-reveal na sana ang totoong dahilan ee.. >.<

“Opo-opo Maa…wag mo nap o ituloy annkori na eee…”

“Ikaw haaa…bat mo naman ayaw sabihin? HAHA. Ay jem-jem pabayaan mo na lang tong anak ko na Heili na lang ang itawag sa’yo ha. Kung anu-ano kasing mga rason pumapasok sa isip nyang batang yan ee.. ay!! Ou nga pala, sumama ka na sakin para makapagpalit ka na ng damit” edi ayun nga, natangay di ako ng mama ni Gesalle. Nakita ko pang lumingon yung mama ni Gesalle sa kanya tapos bigla ba na naman tumawa ulit? masaya ata talaga to ee.. haha xDD

“Pumasok ka na sa banyo at maligo. Iiwan ko na lang dito ang damit na pwede mong isuot ah.”

“Sige po. Maraming salamat po ma’am”

“Ano bang ma’am ka dyan. Bakit mukha na ba akong matanda? Haha..tita na lang maskatanggap-tanggap pa yun” sabay ngiti sakin. Ambaet naman ng mama ni Gesalle, bakit kaya di sya ditto nagmana??? Nakuuuu…

“O-opo sige po tita” at ngiti ko din. Nakakahawa kase sya e.

Pagkaligo ko nakita ko naman yung damit na “magagamit” ko daw. HMM hindi na rin masama t-shirt at short. Haha. Pero halatang panlalaki to, kay gesalle siguro. Bumaba na din ako para hanapin si Gesalle at magpasalamat. Syempre naman kelangan talaga yun.

“Ah, ate excuse me po”

“Ano yun iha?” sagot naman nung maid na pinagtanungan ko.

“San ko po ba makikita si Gesalle?”

“Ah, si Sir Gesalle po ba? Nandun po sya sa kwarto nya. Tara po sasamahan na kita”

Pagkadating dun sa kwarto ni Gesalle iniwan na ko nung katulong nila. Eh di ako kakatok o hindi kakatok? Nahihiya kasi ako ee. Anu ba yann. May hiya pa pala akong tinatago sa katawan ko? akala ko kasi naubos na e. hahaha. Pinag-iisipan ko pa ng mabuti kung kakatok na ba ko nung biglang bumukas yung pinto tas si nakita ako ni Gesalle na medyo nakatunganga. Eh panu ba naman kasi nag-iisip ako dito ng mabuti tas bigla syang susulpot.

“HAHAHAHA…para kang nakakita ng multo sa itsura mo kanina. Gulat na gulat eh. Haha. Pasok ka nga muna. Ay ayaw gumalaw. Haha. (hinila na lang ako dito) Kasya naman pala sayo yung damit ko e. Yung damit mo pala pinalabhan na. antayin mo na lang para maiuwi mo na din mamaya.”

“Ah..ou sige aantayin ko na lang din para maiuwi.. salamaaat palaaa sa pagligtas sakin at sa pagpapahiram ng damit”

“SUS. Walang kaso yun tsaka, pwede ba tayong maging magkaibigan simula ngayon?”

“OU NAMAN..haayy ang konti lang kaya ng kaibigan ko. di kasi ako masyadong nakakalabas ng bahay namin ee.”




Dyan nagsimula ang lahat naging magkaibigan kami, naging close friends hanggang maging BEST of friends. Kaya lang bigla silang lumipat ng tirahan nung 13 ako bumagsak ata yung kompanya kaya kinailangan nilang lumipat. Ang masaklap pa, hindi sya nakapagpaalam ng maayos sakin nun kase wala kami sa bahay nung araw na aalis na sila…

HAY BUHAY. Masaklap talaga minsan.

Kinailangan din naming lumipat nun sa Maynila kasi napromote si Tatay kaya siguro kahit bumalik sya dun, din a rin nya ako makikita.

But I’m still hoping that we’ll meet again someday. Kung ayaw kami pagkitain ng tadhana ako na mismo ang hahanap sa kanya no!







CHAPTER 12 - KELANGAN KO ATA MAG-INGAT? Lipsrsealed


Hanggang ngayon na 3rd year high school na ko, naiisip ko pa din naman sya. Kapag may nangyayaring masama sakin pangalan nya tinatawag ko para magkaroon ako ng lakas ng loob ee.
Marami din talaga akong naiisip, yun bang mga “What If’s ant yung mga Paano kaya kung”

Ano nga kayang nangyari kung hindi lumipat ang pamilya nina Gesalle no?
Ano kaya kung —

“HELLOOOOO... earth to JEM!” sabi ba naman sakin ni Shara. Lukaret talaga to kahit kelan. And yap tama ang narinig nyo. Jem na lang ang tawag nila sakin. Si Shara ang nagpauso, masyado daw kasing pambata yung Jem-jem eh mga high school na daw kami.

“Kanina pa kaya nag-dismissed si Ma’am TSK linilipad na naman kasi yung isip mo sa kung anu-anong bagay kaya di mo napansing BREAK NA” aba’t pangaralan daw ba ako dahil natutulala ako minsan? HAHA. Minsan na nga lang mag-isip yung tao napupuna pa.. tsk tsk

“AAMMEN. Tapos na? tara bumili na tayong pagkain sa canteen”

“Epal to. Anong amen-amen ang pinagsasabi mo dyan ha? ” Bakit dinadasalan ba kita?” at nagmaktol na po si Shara. HAHAHA.

“Eh para kasing dinadasalan mo ako eh haha. Wag ka naman na magtampo oh. Tara, kain na lang tayo” sabay akbay k okay Shara para din a sya makapalag. Smile

“makakapalag pa ba ako eh akay-akay mo na ko? HMP”

“HAHAHA.. I love you too” XD
LOL. Napatingen tuloy yung mga estudyante na malapit samin sa corridor. HAHA. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin basta ako, natutuwa kasi ang sarap-sarap asarin ni Sharaaaa..

Tumigin-tingin kami sa mga stalls dun sa loob ng canteen naming at AHA! Carbonaraaaa~~

“Oy. Tara kain tayong Carb. Libre ko”

“weh?!! TARAAA.. miss 2 nga pong Carbonara. Tsaka 2 na din po palang iced tea. HEHE” sabay tingin sakin at ngiti oh. TALAGA NAMAN. Dinagdagan pa talaga yung order naming eh nu. Di naman nagsabe. xD

Pero di nyo ba napansin, nakarinig lang si Shara ng salitang ‘LIBRE’ aba’y nagbago na agad ang mood, bi-polar ata tong si Shara eh HAHAHA at sya pa talaga ang bumili eh no. di naman sya ang magbabayad.

“Eto po bayad oh” sabay abot ko dun sa bayad naming. Paano ba naman kase nakatingin na ng medyo masama samin yung tindera. Akala ata wala kaming pambayad ee. Aba, mayaman ata ako no! (sa mga barya. HAHA.)

Pagkaupo naming, aun, nilantakan na agad yung Carbonara. Anu ba yan, para naman kaming mga PG. haha.

“Alam mo Best, salamat talaga ditto ah? Ang saraaaaaapp” tignan mo ‘to, naaalala niya na BESTFRIEND niya ko sa tuwing nalilibre ko lang sya.

“Masarap talaga yan lalo na kung libre” sabay ngiti naman sya oh. Haha. Tag-hirap ata to ngayon eh. Baka may pinagiipunan na namang bagong bag o damit. Lage naman eh.

“Pero alam mo talaga, nakatitig sa’yo yung taong kausap ni Ma’am kanina”


qwertyuiop ANO DAAW??

“Anak naman ng tinapang tokwa oh!”

“Oh?! Okay ka lang? Anong nangyare sa’yo?”

“Bwisit. Haha. Nasamid ako sa sinabe mo eh. Teka, inom muna ako para kung sakaling kung ano man yang sasabihin mo mabugahan kita pag PANGET. Hahaha.”

“PFFT. Ang sama mo rin sakin eh no? Sasabihin ko na nga sa’yo yung mga observations ko eh. HAHAHA. Ay grabe talaga bessstt kung yelo ka lang malamang tunaw ka na, pano naman kase grabe ka matitigan. TCH di mo naman kasi napansin dahil nga tulala ka. Hahaha.”

“Bwisit talaga. Anong sinasabe mo dyang tunaw-tunaw. Di sakin naka-tingin yun no. Dun sa mga nasa harapan ko, grupo nina Aimy yung paniguradong tinitingnan nun. Malamang eh nagandahan yun sa kanila” Sino ba namang di magagandahan sa grupo nila Aimy eh mga pang ‘Ms.West Side College’ ganda nun eh. Lalong-lalo naman si Aimy, maganda, makinis, maputi at higit sa lahat SEXY

“Hindi rin Jem. Ngiting-ngiti nga si Aimy nung nakita yung gwapo eh. Pero nung namukaan nya ata biglang nagbago yung Aura nya. Parang nagalit? Baka na-insecure sa’yo. HAHAHA. Naku Jemmielyn nasan nab a napunta utak mo? Ang galing-galing mo sa academics pero sa mga obserbasyon sa paligid mo BOKYA KA. Hahaha.” Laitin daw ba ako?

“Grabe ka naman manlait Shara. Salamat BEST ah.”

“Ikaw naman kase, nawala na ata lahat ng alam mo sa ganyang mga usapin mula nung iniwan ka ni MR.EPAL. Haha. Eh dati ang hastler mo kaya dyan. Ang tanda ko nga ikaw pa ang pasimuno nun e.”

“Kasalanan ko bang iwan ako nung kumag na un? Haha. Wag na nga natin syang isama sa usapan, pumapanget eh. Parang siya lang. HAHA.”

“Oh sori naman. HAHA. Talagang panget eh nu? Sabagay, kapag kinumpara mo yun kay gwapo wala syang panama. Hahaha. Oy pero ingat ka pala kay Aimy nagyon ah, mukha kasing tinamaan talaga si Aimy kay gwapo eh. LOLS”

“Oo sige salamat na din sa paalala. Mag-iingat ako. Ako pa!” sabay napatingin ako sa wristwatch ko at lintik 3 minutes na lang late na kami. OH NO! haha. Ayoko pa mapagalitan no >.<

“Ay pusa Shara malalate na tayong Physics! Tara na, wala pa akong balak mapagalitan no” lalong-lalo na eh ang pagkain at pakikipag-chismisan ang dahilan ^__^

“Oo naaa.. eto na last bite naa. HAHA”

Aun pag-akyat namin ilang minuto mali SEGUNDO lang pala e dumating na din ang teacher namin. Sige na ngaa. Di na muna ako masyadong makikinig ngayon. Lecture lang naman ngayon eh, wala naman siguradong quiz. Papaandarin ko muna yung ‘radar’ ko at nang makasagap ng mga balita. Yung dating “Jem”

At hindi nga nagkamali si Shara, ang ganda-ganda nga ngayon ni Aimy! Halatang may pinagpapagandahan. Tinamaan nga ata siya dun sa lalaki. HMMM. Paglingon nya naman sakin alam nyo ba ginawa niya??? Inirapan akooo T_T 180 degrees po talaga yung irap. O.o talbog ako dun sa katarayan ni Aimy ngayon ah. Di pa naman ako marunong mang-irap.

“nakow. Mukha ngang kelangan kong mag-ingat ngayon kundi aabutin ako ng sama dito”
Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
11-29-2010, 09:22 AM
Post: #99
RE: Callisterz
Nice tinuloy mo rin. Smile yan ah, binasa ko na. haha Big Grin

Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
01-19-2011, 10:09 PM (This post was last modified: 01-21-2011 05:43 PM by hazalle_calla.)
Post: #100
Heart RE: Callisterz
CHAPTER 13 - being stubborn AGAIN

Pagkatapos ng malupet na Physics eh isang subject na lang at uwian na din. YAY! ^^v
Pero talaga eh, kanina pa ako tinatarayan ng grupo nila Aimy >.< OMGEE so scaryyy.

At sa wakas dumating na din yung teacher naming para sa last subject na PE. Kahit PE ang klase naming ngayon at naka-PE uniform kami ay discussions lang daw muna kasi 2nd week pa lang naman daw. Pinag-grouping kami tapos reporting daw muna bago ang laro. Napunta ako sa group nila Aimy tapos siya naman ang nabunot na Leader.

“Oh Jem, sa’yo tong rules and regulations ng volleyball. Tas i-demo mo na din. Dapat meron ka ng report mo sa next meeting ah”

“O-oh sige” hindi na ako naka-kontra. ANLUPET. Dire-deretso talaga sya magsalita para hindi na ako maka-singit. GGGRAAABBEEE pinag-iinitan nya akooo >_<

At umabot na din sa uwian. HAAY SA WAKAS. Parang hindi ako makahinga dito sa room dahil ang tatalas ng mga tingin nila Aimy sakin eh. Ano ba kasing ginawa ko sa kanila? Wala naman DI BA? Tongue

“Jem, una na ako ah. Susunduin ako ni Mama eh. Lam mo na gagala ulit. Haha.”

“Uy, sige ingat kayo ni Tita ah” did I mention na Second cousins ang parent namin ni Shara? Haha. Lupet nga eh, ibig sabihin mag-kamag anak pa din kami though malayo na. Smile)

Aray. Takte. Muntik na akong madapa dun ah. Patirin daw ba ako habang palabas na ako ng room?! And guess what. You’re right. Sila AIMY LANG NAMAN ANG MAY PAKANA. Angry

Pagtingin ko naman sa kanila tawa pa ng tawa ang mga magagaling. CheesyGrin
ABAAA. Away ba hinahanap ng mga to? Di ako tumatanggi dun no!

“Ay sorry ha, nakaharang ka kasi eh”
sabay ngiti pa. Smiley
Alam na alam ko namang plastic yung ngiti mo ‘neng. BANATAN KO NA KAYA ‘TONG MGA TO?

“Ayos lang sige” pasalamat kayo at wala ako sa mood mang-away dahil uwing-uwi na ko.

“Ouch!”

Hilain daw ba yung buhok ko?!!!
They effin’ pulled my hair and pinned me on the wall.. GRRR now what?? Shocked

“ Ano ba problema mo Aimy?! ”

“ Ikaw! Problema ka sa buhay ko eh!! Nakipag-break yung boyfriend ko sakin dahil sayo! Ang galing mo din manlandi eh no. Naging close kayo nung last School Year? CLOSE MY FACE! Sh!t. Alam mo bang gusto ka na nun bago pa kayo naging close?? MY GOSH!! Ang lumalabas nagmumuka akong rebound dito! Tanggap ko pa yung ikaw yung una nyang nagustuhan eh. Ano nga naman ang panama ko sa’yo? Simple ka, matalino, masayang kausap, LAHAT! Eh ako? WALA. Pero ang hindi ko matanggap e yung nakipag-break sya dahil narealize nyang ikaw pa RIN daw! Na hindi nagbago ‘yung pagtingin nya sa’yo. SH1T TALAGA! “Angry

“ Anong ako? Pwede ba Aimy wala akong ginawa kay Chris! Friends lang kami nun at hanggang dun lang. kung ano man yung sinabi nyang dahilan kaya sya nakipaghiwalay sa’yo . PROBLEMA NYO NG DALAWA YUN. Wag nyo kong idamay sa issue nyo.

Siguro nga kaya sya nakipaghiwalay dahil sa sama ng ugali moo. Baka hindi na nya natagalan at -- ”


*PAK*

Sinampal ako ni Aimy! Unang beses kong naranasang sampalin at, lalong-lalo na ang masampal dahil nadawit ako sa issue ng magkarelasyon na ‘to. At ang malupet, ako pa ang 3rd party. MAGALING TALAGA. To think na akala ko talaga friendship lang ang habol sakin ni Chris kaya nakipagkaibigan lang din ako sa kanya. Yun pala may kasamang iba yung intension nya. Wulang heya.

“ Girls, ibigay nyo na ang nararapat sa b1tch na yan “

After she said that, binihusan nila ako ng sobrang lamig na tubig. AMP. Can someone help me? Darn it, I’m on the verge of cryin’ already. :’((

“ Yan ang nababagay sa’yo. Sa susunod, kikilalanin mo ang babanggain mo
Girls, let’s go and leave this b1tch outta here “


After they’ve left our classroom, I take a gook look on myself. Kung makakauwi pa ba ako ng matino and sadly, hindi na. I’m drenched and so effin’ angry at ngayon ko lang napansin na umiiyak na din pala ako.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung ba’t ako umiiyak ngayon. Dahil ba sa nabuhusan ako ng tubig at napagsalitaan ng masasama ni Aimy, o dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon dahil pati sa problema g iba na wala naman akong kinalaman eh nadadamay pa ako. NAKAKAINIS. Nakaka-frustrate.


Mabuti na lang at Friday ngayon at naka-PE uniform kami. Kahit papaano pala may nalalabi pa rin akong swerte. Pwede naman siguro akong humiram ng clean PE shirt sa clinic tutal naman yung jogging pants ko eh medya-medya lang yung pagkabasa.

Takte. Pagnapansin to nila Kuya uulanin na naman ako ng tanong ng mga yun. Kahit alam nilang secretive ako aalamin at aalamin pa din. Isa na to sa mga bagay na dapat paghandaan ko pag-uwi ko ng bahay. BV talaga.

Gagawin ko n asana yung pinaplano ng utak ko ang kaso naman, ayaw gumalaw nung katawan ko. Na-trauma ata sa ginawa nila Aimy. Idagdag mo pa yung lamig ng tubig. At ang pinaka-nakakainis umiiyak pa din ako. Nagmumuka na kong kawawa sa lagay ko eh.

“ Bwisit talaga. Bakit ba ayaw mong tumigil” I said between my sobs, and I’m already catching my breath because of too much cryin. Eto na ata yung pinaka-matagal na iniyakan ko.


I’m drenched with cold water and I’m still here doing nothing. I cannot believe myself being stubborn AGAIN.


Send this user an email Find all posts by this user
Quote this message in a reply
Post Reply 


Forum Jump:


User(s) browsing this thread: 1 Guest(s)